Friday, November 19, 2010

Mandaluyong, Lubusin ang Pera sa Basura

Basura. Pinandidirihan. Kinasusuklaman. Mabaho. Madumi. Pinagsisimulan ng sakit. Siguro pero hindi bagay na nabubulok ang aking sinasabi kung hindi ang pag-recycle ng basurang pwede pang gamitin.


Siguro iniisip ninyo na ang pag-re-recyle as isang bagay na hindi natin kailangan dahil ang issue ng pera at pagkain ang laging nasa isipan natin. Tama iyon pero puwede ba tayong kumain na hindi na iisipin ang pag-hinga? Dapat sabay, tama? 


Kailangan natin mag-recycle. Ang pag-isip kung magagamit pa ang basura ay dapat bigyang halaga upang lalo natin matulungan ang sarili natin. Paano? Sa pag-iisip ng paraan ng pag-re-recycle! Mapapakinabangan pa ba ang lumang diyaryo? Nagamit mong bote? Lumang damit? Tandaan, pera mo ang ginamit ng pambili sa bagay na ginamit mo. Hindi ba dapat pa nating lubusin ang paggamit nito na walang karagdagang paggastos pa? 


Sa artikulong nakita ko sa website (na ingles), tutulungan ka nitong bigyan ka ng idea upang makapag-recylce sa mga bagay na araw-araw mong ginagamit. Sa Amerika man ang halimbawa sa nakasulat dito, ang mga tips na binibigay nila dito ay makakatulong na lubusan. Sa puno't dulo nito, ikaw ay hindi lang nakakatulong sa iyong kapwa, ikaw din ay nagpapahalaga sa bagay na nabili mo ng iyong pawis (pera). Handa ka nang basahin ito? I-click mo'to.


Ito ang una kong artikulo na handog ko sa bayan ng Mandaluyong upang makatulong sa kapwa ko residente para sa ikakaunlad ng ating pamumuhay.


Mandaluyong, lubusin ang pera mo. Mag-recycle tayo!

Posted via email from The Great City

No comments:

Post a Comment